My Tris and Tobias!:”>
My Tris and Tobias!:”>

OMG! Napaka saya ko talaga! Ako na desperada! Nung nakita kong online siya.. aba syempre nag online din ako!ahahaha! Tapos nag post ako para mapansin…OMGGG!!!! Napansin nga!!! Ang saya saya ko talaga!
Ang layo namin sa isat isa.. Nasa Philippines siya tapos ako nasa Canada.. Pero kahit ganon napapasaya parin niya ako!!!!ahahhahah! WHY??? Ewan ko ba!ahahaha!
Oh well! Nakwento ko na ba na may kamukha siya sa school? Yup! Pero….BADING!HUHUHUHU! Super kamukha niya! Nung nakita ko yun nagulat talaga ako! SUPER! Ang saya ko tuloy:) Tuwing nakikita ko siya sa hallway feeling ko si Capital A yung nakakasalubong ko.. Ang saya saya! HIHIHI!
Yun lang! Ayaw ko lang makalimutan yung mga kaganapang ito..hehe

Hahaha! Natawa naman ako dito! Haha
Boy: “globe ka ba?”
Girl: “bakit? Kasi ako ang mundo mo?”
Boy: “hindi! Patext! Wala na akong unli eh.”
Hahaha! Natawa ako! Thats what we call Pinoy jokes! Only in Canada! Love it!:)
Malakas ang batang ito saakin! Hehe
I miss you baby heather! I love you!!!!!!!! Mwahhhhh!:*
AHAHA! Para mag shopping lang:)
HAHAHA! Wala ako ma-post eh! So yan nalang! HIHHI!
Ang taba ko na talaga:(
Okay…
Umamin na… Sino bang hindi? Ahahaha!!
Hello! Namiss niyo ba ako? Haha! Tagal ko wala noh? Bakit ngayon lang ako nagparamdam? Kasi po bawal mag net masyado dito(canada) kasi mahal.. Hehe!
Oh well! Napa-post lang naman ako kasi may bago akong cell phone case! Hehe! Green dapat yan eh kaso nagkamali si ebay ng napadala… Naging yellow! Haha! May naalala tuloy ako.. Si cha! Kasi siya yung taong yellow! Maliban kay cory aquino! Hahaha!
Oh well papel! Yun lang! Babush!
XOXO
GOOD-BYE PHILIPPINES!
Mamimiss ko ang bansang ito! Eto ako ngayon, nasa airport na at lilisan papuntang Canada.
Uo naman masaya ako! Blessing kaya ito! Hindi lahat ng tao nabibigyan ng ganitong pagkakataon diba?
Syepmre nalulungkot din ako.. Madami akong maiiwan dito na hindi ko alam kung kaya kong wala ang mga ito. Pamilya! Yan ang nangunguna. Lalo na ngayon na may Heather na. Mahirap talaga malayo sa kanila. Nasanay kang kasama sila buong buhay mo eh. AHAHA! Kaibigan! Hindi ko alam kung makakahanap pa ako ng katulad nila. Ibang klase sila eh! ASTIG TALAGA! Hindi pa naman ako friendly kaya nagpapasalamat ako na madami akong kaibigan na mahal na mahal ako!HEHEHEHE!ALAGANG PUSA!! Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ng mawalay sa kanila. Wala ng mainit at mabuhok na tatabi samin sa kama. Wala ng lalapit sakin para humingi ng pagkain. Wala ng kakalmot at kakagat sakin.. Sa pictures ko nalang makikita si COLA, BABY CAT at si HAPONITO! HUHUHUHU!
Lahat ng yan mamimiss ko! Pero sana sa pag lisan ko, hindi sila magbago. Baka kasi kalimutan nila ako.ahahha! Alam ko naman na magandang buhay ang dadatnan namin doon. At hindi kami pababayaan ni God. Basta manilwala lang kami sa Kanya at sundin ang Kanyang mga salita, alam ko hindi kami mabibigo at aangat din kami.
I Love you all!!!
I love you Philippines!
For God has a greater plan for your life.
Ikaw Lamang By Silent Sanctuary
January 14 2012
Masaya ako nitong mga huling araw. Madami akong dahiln kung bakit ako masaya, at isa na sa mga iyon ang kanta na iyan.
SA WAKAS nagkausap na din tayo! AHAHA! Alam mo ba na napaka saya ko? Hindi ko aakalain na darating yung araw na magkakausap tayo. Matagal na talaga itong paghanga ko sayo.. At ngayon napapaisip ako, may gusto ka na din ba sakin? Lagi kita nahuhuling nakatingin sakin..may ibig sabihin na ba yon? January 14 2012, ang araw na napaka special para sakin. Nagusap na din tayo. Ikaw pa ang gumawa ng unang move. May pakealam ka na ba sakin? Oh ang OA ko lang? HIHI! EWAN! Basta kinausap mo ako!
Nasa Birthday party ako ng matalik kong kaibigan. Basa ako dahil nag swimming kami. Napakasaya! Excited ako dahil alam ko dadaing ang CRUSH ko. Hindi ako mapakali dahil ang tagal nila dumating.. BOOM! Nanjan na sila! Mas hindi ako napakali!AHAHA! Ang cute niya talaga! Kumakanta ako sa karaoke nung dumating sila, grabe! Nakakahiya! Ayun! Bonding moments pero hindi ko parin siya kinakausap. Natapos na ang foodtrip, picturan, kwentuhan, turn naman nila mag sing along. Bigla ako nagulat nung pinili niya yung kanta na iyan. Alam ko na feeling lang ako pero sana nga ako ang kinakantahan niya. Alam niyo ba na napaka ganda ng boses niya? UO! SOBRA! sinabayan ko siya kumanta sa ibang parts(BAGAY ANG BOSES NAMIN!AHAHA!) After nila magkantahan nagpunta na kami sa bahay ng friend ko. Ayun! Nagulat ako nung bigla niya ako kinausap! Grabe! Dumating na din sa wakas yung araw na pinakahihintay ko!AHAHAAHA! Nakatingin siya sakin… Hay nakoo! Napakasaya ko talaga! Sana nga gusto rin niya ako..:”>
Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Makapiling ka habang buhay
Ikaw lamang sinta
Wala na kong hihingin pa
Wala na