Ikaw Lamang By Silent Sanctuary
January 14 2012
Masaya ako nitong mga huling araw. Madami akong dahiln kung bakit ako masaya, at isa na sa mga iyon ang kanta na iyan.
SA WAKAS nagkausap na din tayo! AHAHA! Alam mo ba na napaka saya ko? Hindi ko aakalain na darating yung araw na magkakausap tayo. Matagal na talaga itong paghanga ko sayo.. At ngayon napapaisip ako, may gusto ka na din ba sakin? Lagi kita nahuhuling nakatingin sakin..may ibig sabihin na ba yon? January 14 2012, ang araw na napaka special para sakin. Nagusap na din tayo. Ikaw pa ang gumawa ng unang move. May pakealam ka na ba sakin? Oh ang OA ko lang? HIHI! EWAN! Basta kinausap mo ako!
Nasa Birthday party ako ng matalik kong kaibigan. Basa ako dahil nag swimming kami. Napakasaya! Excited ako dahil alam ko dadaing ang CRUSH ko. Hindi ako mapakali dahil ang tagal nila dumating.. BOOM! Nanjan na sila! Mas hindi ako napakali!AHAHA! Ang cute niya talaga! Kumakanta ako sa karaoke nung dumating sila, grabe! Nakakahiya! Ayun! Bonding moments pero hindi ko parin siya kinakausap. Natapos na ang foodtrip, picturan, kwentuhan, turn naman nila mag sing along. Bigla ako nagulat nung pinili niya yung kanta na iyan. Alam ko na feeling lang ako pero sana nga ako ang kinakantahan niya. Alam niyo ba na napaka ganda ng boses niya? UO! SOBRA! sinabayan ko siya kumanta sa ibang parts(BAGAY ANG BOSES NAMIN!AHAHA!) After nila magkantahan nagpunta na kami sa bahay ng friend ko. Ayun! Nagulat ako nung bigla niya ako kinausap! Grabe! Dumating na din sa wakas yung araw na pinakahihintay ko!AHAHAAHA! Nakatingin siya sakin… Hay nakoo! Napakasaya ko talaga! Sana nga gusto rin niya ako..:”>
Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Makapiling ka habang buhay
Ikaw lamang sinta
Wala na kong hihingin pa
Wala na





